Marahil marami sa ating mga kabataan o kababayan ang nakakalimot na minsan sa buhay ng ating Pambansang kamao ay dumanas din sila sa hikahos ng buhay.
At tulad din ng karamihang ilaw ng tahanan na hikahos sa buhay ang salitang “Walang hindi kayang gawin ang misis para sa kaniyang asawa at pamilya” Isa na rito ang may bahay ng Pambansang kamao at maituturing na isa sa pinakamayaman na misis ngayon sa bansa at ulirang asawa ng ating People’s champ Manny Pacquiao, Jinkee Pacquiao habang ginugunita ang kwento ng kanilang buhay noong sila ay nagsisimula pa lamang.
Nagsimula ang panayam ni Dra. Vicki Belo kay Jinkee sa isang masayang pagbabaliktanaw ng mga personalidad na nakilala ni Jinkee tulad ni Paris Hilton, Ji Chang wook atbp. kasunod noon ay hindi na napigilan ilahad ni Jinkee ang kanilang humble beginning nang tanungin ni Dra. Vicki “Nung kinasal kayo ni Manny, paumpisa pa lang siya nun sa career niya?”
“Oo, umpisa pa lang. Wala talaga kaming pera nun” Sagot ng may bahay ni Manny.
“Nako, madami kaming experience na mangutang kami, ganyan. Para lang makapag-ensayo siya sa Davao or Manila. “Kailangan may pocket money. Alam yan ng mga ninang namin kasi ginigising ko sila ng maaga, ‘Ninang help me, help us’.”
“Ah ikaw ang tumatawag, hindi si Manny?” Dagdag na tanong ng Dra.
“Hindi, ako. Ako, oo. Mangungutang pa kaming pera para lang pang-budget niya sa ensayo,”
Sabi pa ni Jinkee na never niyang sinabi kay Manny na i-give up ang boxing
“Ay no, never. Sumasama ako sa ensayo.”
See full interview:
Sabi nga nila “Sa likod ng isang matagumpay na lalake ay isang babae na naniniwala at hindi sumusuko sa kanya”
Ganyan na ganyan ang kwento ni Jinkee na hindi kailan man nagawang iwan si Manny kahit pa sila ay walang-wala noon at ngayon ay magkasama pa rin sa tagumpay.
Nagkakilala ang mag-asawa noong sila ay nasa edad na 20+ kung saan si Jinkee ay isang ahente ng beauty products at si Manny Pacquiao naman ay isa nang boksingero ngunit hindi pa kasing tayog ng pangalan niya ngayon. Sila ay may limang anak kung saan ang iba ay madalas na rin makita sa telebisyon at social media.
The post “Ninang help me” Jinkee Pacquiao ikinuwento ang panahong nangutang siya para sa ensayo ni Manny Pacquiao. appeared first on Manila Papers.
Source: Manila Papers
0 Comments