Manila, Pilippines- Viral ang post ng isang mommy vlogger na si mommy Ciara patungkol sa responsibilidad ng magulang sa kanyang anak at kung responsibilidad nga ba ng anak ang kanyang magulang.
Kamakailan ay nagiging mainit ang usapan kung ang mga anak ba ay obligasyon sustentuhan ang pangangailangan ng magulang o may karapatan bang magdemand ang mga magulang na bigyan sila ng pera ng kanilang mga anak kapag sila ay matanda na at ang kanilang anak ay may trabaho kahit pa may sarili ng pamilya ang kanilang anak.
Sating mga Pinoy marami ang ganitong scenario sa loob ng bahay
“Inaalagaan kita para pag tanda namin ng Daddy mo ay kami naman ang aalagaan mo”
“Pinapaaral ka namin para i-ahon mo kami sa hirap”
“Dahil sakin kaya ka sinilang sa mundong ito. Utang mo sakin ang lahat”
Aniya niya “MALI. MALI. MALI.”
Hindi maganda na naririnig ng ating mga anak sa atin na para bang tayo ay nanunumbat na utang nila ang buhay nila sa atin.
Bilang mga magulang, responsibilidad at nararapat lamang na sila ay palakihin natin at hubugin ang pagkatao.
Hindi nila obligasyon na sustentuhan tayo pag tayo ay matatanda na. (Kung oo, edi maganda at magpasalamat. Kung hindi, magpasalamat pa din. Ang mahalaga ay maayos ang kanilang buhay).
Masarap magka-anak. Masarap magpalaki ng anak, na marinig ang bawat “I love you, Mama/Papa nila”,
Masarap na makita mo na masaya ang iyong anak.
Spend time with your kids. Do it for the memories. ❤️
Para sa mga anak naman, wag din natin kalimutan kung saan tayo nanggaling. Napakasarap sa pakiramdam na makita ang ngiti ng ating mga magulang sa ating pag alaga, concern at tulong o pag abot (kahit na hindi sila nagsasabi).
Ang punto po nito, ay hindi tayo nag anak para iahon tayo sa kahirapan.
Para sa mga anak, huwag kalimutan ang ating mga magulang ❤️
Sang-ayon ka ba? Heto ang ilan sa mga komento ng mga netizens
Our children are not our retirement plans. 😉
Bilang akoy naging anak at naging magulang kaligayahan sa isang magulang na maibigay ang lahat ng para sa ikakabuti ng anak at mali sa parte ng magulang na iparamdam na maging utang na loob para sa kanila na silay iyong inaruga at para sa anak nasasa iyo ang pasya bilang isang mabuting anak sa magulang🤗
totoo po yan mommy ciara.. tama talaga.. kase isa yan sa toxic filipino culture.. marami sa mga anak, ginagawang atm machine, kase utang na loob, etc.. pero magkaiba yung may sariling obligasyon na kung may sariling pamilya na at yung di nakakalimot sa magulang, nandun pa din yung concern at pagtulong sa magulang lalo kung may emergency, pero syempre may iba na ding priorities lalo kung pamilyado na..
The post “Hindi nila obligasyon na sustentuhan tayo pag tayo ay matatanda na” Vlogger may paalala sa ibang mga magulang. appeared first on Manila Papers.
Source: Manila Papers
0 Comments