Nagpakilalang anak ng sinasabing lola ni Donnalyn Bartolome, nagsalita na.

Matatandaan kamakailan ay isang vlogger ang nagbahagi ng video kung saan ay may natulungan siyang isang lola na sa tabi ng kalsada nakatira.

Di umano nagpakilala ang lola kay Jose Hallorina bilang lola ni Donnalyn.

Ayon pa kay Jose labis niyang kinalungkot nang mabalitaan niya ang pagpanaw ng lola ni Donnalyn na homeless pa rin kahit na inilapit niya ito kaharap di umano ng dalawa niyang abogado sa pamilya ni lola para mamuhay ng komportable dahil matanda na ito.

Matapos ang ingay na dulot ng vlog na ito nagsalita na ang nagpakilalang anak ng lola ni Donnalyn.

Isang Dennis Devera ang nagpakilalang anak ni Nanay Josie na tinulungan ni Jose.

Ayon kay Dennis hindi dapat sinisisi ng netizens si Donnalyn sa nangyari sa kaniyang ina lalo at malayong kamag-anak na umano sila ni Donnalyn.

Marami rin di umano naitulong si Donnalyn na hindi nalalaman ng iba dahil hindi ito kinukuhaan ng camera.

The post Nagpakilalang anak ng sinasabing lola ni Donnalyn Bartolome, nagsalita na. appeared first on Manila Papers.


Source: Manila Papers

Post a Comment

0 Comments