“Jamill is now signing off” At ang iba’t ibang reaksyon ng netizens.

Nagulantang ang mga netizens ng biglang mag-tweet si Camille Trinidad patungkol sa kanilang youtube channel na di umano ay deleted na at ang “Jamill” ay mag-sign off na sa kanilang channel at nagpasalamat siya sa YouTube kung saan sila nakilala.

Aniya ginawa nila ito para mas maging maayos ang kanilang relasyon ni Jaysam. Matatandaan na nasangkot si Jayzam sa issue ng pambabae kamakailan.

Dagdag pa nila na hindi ito pakulo upang mapag-usapan.

“Yes deleted na po ang channel. Di naman natin ma-pplease lahat ng tao na sabihing pa issue lang ito or what. Its about our relationship, mas pinili namin mas maging okay ang relationship namin. I hope na irespeto nalang Thank you,” paliwanag ni Trinidad.

Heto naman ang post sa kanilang Facebook page:

Deleted Na Talaga YT namin. Hindi Joke o Prank o Kung ano.
Sobrang saya nang naexperience namin sa YouTube pero this time mas priority na namin ang Relasyon namin dalawa. Gusto namin Habang buhay talaga kaming nag mamahalan mga Kaigan.
Share this video to Spread the news, Para di sila mabiktima ng Fake news. Eto ang dahilan and i hope irespeto nyo kami mga kaigan

❤️❤️❤️ MARAMING MARAMING SALAMAT PUTEK 🥺🥺❤️ I love you all!!!! ❤️❤️❤️ AHU!!!! #Jamill

The post “Jamill is now signing off” At ang iba’t ibang reaksyon ng netizens. appeared first on Manila Papers.


Source: Manila Papers

Post a Comment

0 Comments